Ang ganitong kalagayan ng magbubukid ay resulta ng pagiging malakolonyal at malapyudal ng lipunan. Ang sistemang panlipunang ito ay itinatag ng mga kolonyalistang Kastila at Amerikano at pinananatili hanggang sa kasalukuyan kasabwat ang mga lokal na naghaharing uri ng malalaking panginoong maylupa at komprador burgesya. Isa itong sistemang pang-ekonomiyang nakaasa sa pagluluwas ng murang hilaw na materyales at nakatali sa pag-aangkat ng mga mahal na yaring produkto mula sa ibang bansa (export-oriented at import-dependent).