THE LAST DIARY NG TAKOT SA DEXTROS AT INJECTION
israelmekaniko:
Ayoko ng amoy ospital. Ayoko ng amoy alcohol. Ayokong maglakad sa hallway. Ayokong makakita ng pasyenteng naka dextros. Parang magkakasakit ako. Ayokong makakita ng nurse. Ayokong makakita ng mga taong hirap na hirap sa trabaho pero ang liit naman ng sweldo o minsan wala talagang sweldo tapos para sa iba katulong lang ang tingin sa kanila. Ayoko makakita ng mga pasyenteng isinusugod sa emergency room. Ng mga kamag anak ng pasyenteng nag aabang sa pinto ng operating room. Yung mga taong doon na kumakain ng malamig na kanin at pang ulam sa hagdan dahil walang pambayad ng kwarto. Yung doon na natutulog sa sulok dahil bawal pumasok sa ICU. Yung mga taong nasa harap ng cashier at naglalabas ng pambayad. Yung pilit kinakapa ang bulsa baka sakaling may naiwan pang barya. Ayokong makarinig ng hagulhol. Ayokong makarinig ng iyak. Ayokong makakita ng malungkot na mukha. Yung mga matang konti na lang bigla na lang tutulo ang luha pero wala ka namang ibang magawa. Dahil parang alam kong may nangyaring hindi maganda. Ayoko na ulit pumasok sa ospital. Dahil dito ka huhusgahan kung magtatagal ka pa o patuloy kang mabubuhay. At dahil alam kong sa huli, dito din ako mawawalan ng buhay.
Simula nong nabasa ko to parang nawalan ako ng gana kunin ung course na nursing.. Ang sakit lang sa dibdib.