Ang kasabihan (Kotowaza) ay isang patalinhagang pahayag na ginagamit ng matatanda noong unang mangaral, magpayo, at ituwid ang mga kabataan sa tamang landas at kabutihang asal. Karaniwan itong may sukat at tugma. Ginagamit ang mga hayop bilang halimbawa dahil may mga katangian sila o mga kilos na naihahalintulad sa mga tao. Mas madaling nauunawaan ng tao ang paggamit ng mga hayop sa kasabihan dahil pamilyar na sa kanya ang mga kinikilos ng mga ito at sa pamamagitan ng imahinasyon ay naihahalintulad nya ang isang hayop sa sarili o sa ibang tao.