Kung hindi isiningit ang mga salitang Ingles, sino nga ba ang makakaintindi niyon? Nasabi tuloy ng isang magsasakang taga-Nueva Ecija: “Di bale nang sa Ingles, huwag lang ang Tagalog ni Ka Along!” Tanggap na nga naman ang mga salitang lipunan, industriya, monopolyo, at industriyalisasyon — bakit kailangan pang palitan ng ulnong, kalalang, sarilakal at sakalalang?