Ayon nga kay Direktor Ponciano Pineda ng dating Surian ng Wikang Pambansa, makabubuti pang manghiram na lamang mula sa dayuhang mga wika at iangkop sa ponolohiya at ortograpiyang Pilipino ang mga hiniram. “Maaaring hiraming buung-buo ang tunog (sa sistema ng normalisasyon), halimbawa: mathematician–matematiko o matematisyan; psychologist–sikologo o saykolodyist; original score–orihinal na eskor; decimal fraction–praksiyong desimal, at marami pang iba.”