Ikinatuwa ng Malacañang ang pagtiyak ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) na hindi sila maghahasik ng karahasan sa Mindanao kahit patay na ang panukalang Bangsamoro Basic Law (BBL).
Ayon kay Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Herminio Coloma Jr., welcome sa Palasyo ang assurance ni MILF chief negotiator Mohagher Iqbal sa patuloy na pakikipagkooperasyon ng grupo sa pamahalaan para maisulong ang peace process kahit sa susunod na administrasyon.
Simula nang lagdaan ang Framework Agreement on the Bangsamoro noong October 2012, sinabi ni Coloma na nagpakita na ang MILF ng kanilang kakayahan at sinseridad na mapanatili ang kaayusan at kapayapaan sa Mindanao.
Kaugnay nito, inihayag din ni Coloma na sisikapin ng pamahalaan na maipreserba ang lahat ng pagod para maipatupad ang Comprehensive Agreement on the Bangsamoro (CAB) na siyang magsisilbing papel sa paglutas ng karahasan sa rehiyon.