Tao lang rin naman ako, kailangan ko ng kasama. Nalulungkot ako kapag walang makausap lalong lalo na kung yung nag-iisang tao na alam kong makakapagpagaan ng damdamin ko ay hindi ko makausap. Minsan, kailangan ko ng isang tao na mapagsasabihan ng nararamdaman ko. Okay lang kahit na alam kong hindi nya ako maintindihan sa kung anong nararamdaman ko. Ang mahalaga sa akin ay yung maramdaman kong nandyan sya para sa akin sa tuwing kailangan ko sya.
Kaso wala eh. Sino pa bang aasahan ko? Kailangan kong kayanin ‘to mag-isa. Siguro lilipas rin naman yung kalungkutan na nararamdaman ko. Masasanay rin ako mag-isa.