Muling nagprotesta ang China sa panibagong pagbiyahe ng isang sasakyang pandigma ng Estados Unidos sa karagatang sakop ng West Philippine Sea o South China Sea (SCS) na pinag-aagawan ng ilang bansa sa Asya.
Ayon sa ulat, kinumpirma ng Pentagon na binaybay ng US warship ang 12 nautical miles ng SCS bilang pagpapakita ng freedom of navigation ngunit iprinotesta ito ng Beijing.
“We conducted a freedom of navigation operation in the South China Sea earlier tonight,” sabi ni Pentagon spokesman Jeff Davis.
Aniya, ang guided missile destroyer USS Curtis Wilbur ay dumaan sa Triton Island sa Paracel island chain na inaangkin ng China, Taiwan at Vietnam.
Sinasabing walang Chinese navy ships nang dumaan ang nasabing US destroyer sa 12 nautical miles ng maliit na 1.2 square kilometer island kung saan ang operasyon ay isinagawa bilang hamon sa China na umaangkin sa Paracel island.
Giit naman ng Beijing, na ang ginawa ng US ay paglabag sa Chinese law at ipinanawagan sa US na maging instrumento ng katiwasayan sa nasabing isla.
“The US warship, in violation of relevant Chinese laws, entered China’s territorial waters without authorization.
The Chinese side has taken lawful surveillance, vocal warnings and other related measures,” sabi ni China’s foreign ministry spokeswoman Hua Chunying.
“We urge the US side to respect (and) abide by relevant Chinese laws, to do more things conducive to Sino-US mutual trust and regional peace and stability,” aniya. (Noel Abuel)