This morning (July 6) I received feedback that there was so many buffer stock in all process at INNOVA line(this is from night shift operation), worst process is the side member .
Do you understand why excess buffer is ABNORMAL? Do you explain to your members the effect of this abnormalities? Do you tolerate this kind of abnormalities?
Leaders,
Tandaan ninyo ang itinuro sa atin sa TPS, JIDOUKA at Just-In-Time. Nakakapag buffer lang ang t/m kung mababa ang cycle time kesa takt time.
Ano epekto ng excess buffer stock sa production line?
1. Safety – nagiging hindi normal ang galaw ng operator, kung ano-ano ang uunahin at ditto nagsisimula ang aksidente!
2. Quality – hindi nasusunod ang sequence, nagiging iba ang model variant base sa production schedule, nakakalimutan ang pyesa, ang spot!
Paki explain ng mabuti sa lahat ng t/ms ang epekto ng excess buffer. Kailangan alam nila at naintindihan nila.
Leaders, wag na natin hintayin pa na may mangyaring hindi maganda bago pa tayo kumilos.
Ngayon palang itama na natin ang maling nakikita natin sa linya.
Sa atin ito magsisimula, tayo ang dapat makakita nito at hindi ang ibang tao, bahay natin ito, tayo dapat ang masusunod.
Kapag meron ayaw sumunod, gawin nyo ang tama, susuportahan ko kayo kahit saan tayo makarating.
Maraming salamat.