Yung batang buntis na nakita mo sa kalsada na sinabihan mong ang agang lumandi, narape pala siya. Yung lalaking tinawag mong baduy, working student pala at wala syang pambili ng bagong damit. Yung nakatabi mo sa jeep na sinabi mong mabaho, construction worker siya at dali daling umuwi dahil may sakit ang asawa niya. Sinusuportahan niya ang pamilya niya at di pa siya naghahapunan. Yung sinabihan mo ng masakit na salita noong nakaraan, di mo alam na sa bahay palang discouraged na siya at Hindi na siya masaya. Tinawag mong mataba yung babae, hindi na siya kumakain ngayon sa sobrang hiya at pressure na mameet ang standards mo sa ganda. Yung lalaking tinatawanan mo kasi bulol magsalita, natrauma pala nung bata pa sya. Yung kaklase mong maraming beses umabsent at sinabihan mo ng tamad, araw araw niyang hinahanap ang magiging pamasahe niya. Yong crew ng fastfood chain na tinarayan mo dahil hindi ka masyado narinig sa ingay sa loob ng lugar, ay working student at pangalawang duty na niya ngayong araw para matustusan ang pangmatrikula niya. Yong ale na binarat barat mo sa palengke para sa isang kilong gulay at sinabihan mong madamot, dose kilometro pala ang nilalakad papuntang palengke para makapagtrabaho lang ng marangal. Akala kasi natin alam na natin lahat. Madali sa atin ang manghusga. Pero wala tayong karapatang manghusga. #stopdiscrimination copy and paste if u agree..