sundalo ang sugatan nang sagupain ng mga tropa ng pamahalaan ang malaking bilang ng mga kasapi ng Abu Sayyaf na umatake sa isang kampo ng militar sa Patikul, Sulu, Martes ng gabi.
Aabot sa 150 kasapi ng Abu Sayyaf ang nang-“harass,” o nagpaputok, sa headquarters ng Army 32nd Infantry Battalion alas-8:15, kaya nagkaroon ng bakbakang tumagal nang mahigit isang oras, sabi ni Brig. Gen. Alan Arrojado, commander ng Armed Forces Joint Task Group Sulu.
Nagtamo ng bahagyang pinsala ang pitong kawal at dinala na ang mga ito sa ospital ng Kuta Heneral Teodulfo Bautista sa Jolo, aniya.
“Nakakalakad sila (mga sugatan), walang naka-stretcher,” ani Arrojado. Inaalam pa kung may mga nasawi o nasugatan sa mga bandido.
Unang napaulat na mga tauhan ni Abu Sayyaf top commander Radullan Sahiron ang umatake, pero napag-alaman na anak ng isang napatay na sub-commander ang pasimuno ng harassment.
Sinanib ni Tistah Hussien, anak ni sub-commander Juhurim Hussien na napatay sa pakikipagsagupa sa 32nd IB noong Marso 4, ang 50 niyang tauhan sa ibang grupo at nilunsad ang pag-atake para makaganti, ani Arrojado.
Kabilang din sa mga sumali sa pag-atake ang mga kamag-anak ng Abu Sayyaf members na nakaiwan ng matataas na kalibreng baril na narekober ng militar sa isang kubo noong Nob. 26, matapos ang isa pang “harassment” sa 32nd IB headquarters, aniya.
Matapos ang bakbakan Martes ng gabi ay naghiwa-hiwalay din ang mga sumalakay na bandido. Ilan sa kanila’y na-monitor na umatras patungo sa kasukalan ng Brgy. Kabbun Takas habang ang iba’y patungo sa Brgy. Panglayan.
Inalerto lahat ng military unit malapit sa 32nd IB headquarters laban sa mga parehong pag-atake at inatasang mag-checkpoint para maharang ang mga bandidong nagdadala ng sugatang kasamahan sa mga ospital, ani Arrojado.
Read more: http://bandera.inquirer.net/110808/army-camp-sinalakay-ng-abu-sayyaf-7-sundalo-sugatan#ixzz3uY0py5YG
Follow us: @inquirerdotnet on Twitter | inquirerdotnet on Facebook