Paano ko maipahihiwatig sa iyo ang aking damdamin gayong hindi pa ako gaanong marunong magtagalog?
Pakituruan mo ako kung paano ko maipaaabot sa iyo ang aking taos-pusong pagmamahal.
Hindi pa ako nagkaroon ng ganitong damdamin, damdaming maging kasama lagi ang isang nilalang, ito ang nadarama ko sa iyo ngayon.
Ikaw ang nasa isip ko mula umaga hanggang gabi.
Iniibig kita.