Napagkwentuhan po kasi naming magpipinsan na bihirang bihira na kayo magkasama samang magkakapatid.. Namimiss lang din po namin yung makita kayong lahat na masaya sa kabila ng mga di nyo pagkakaunawaan. At un pong mga panahon na wala kayong ibang gusto kundi magkasama ulit sa tuwing may okasyon.. Sa totoo lang po nalulungkot talaga kami pag naiisip namin ung mga bagay na nakasanayan naming makita sa inyong magkakapatid.. Pero syempre po naiintindihan din nmn namin na may kanya kanya na kayong priorities kya di po kami masyado nageexpect na mangyayari ulit yun.. Ang samin lang po sana ay every once in a while mabuo nmn ung pamilya natin.. Sobrang sarap po kasi sa pakiramdam na makita tayong lahat na masaya at kumpleto.