Nakikita mo ba yung babaeng yan? Yung babaeng nagbabasa nito? Ang saya saya niya kapag kasama niya yung mga kaibigan niya diba? Kung maka-tawa, hagalpak na. Kung maka-ngiti, halos mapunit na yung labi. Ang saya saya niya. Para siyang walang problema. Ang tapang niya. Ang lakas niya. Pero nakikita mo din ba? Yung mga sakit na pilit niyang tinatago sa lakas ng kanyang pagtawa? Nakikita mo din ba yung mga lungkot na mababanaad sa bawat ngiti na pinapakit niya? Matapang siya? Oo. Hindi. Siguro. Baka. Ewan. Basta ang totoo lang, yang babaeng yan, yang babaeng nakikita mong parating nakatawa, yan din yung babaeng pigil ang pag-hikbi tuwing gabi. Yang babaeng parating naka-ngiti, yan din yung babaeng nagmamay-ari ng mga basang unan at panyo. Hindi siya matapang. Hindi siya malakas. Sadyang magaling lang siyang magpanggap. Dahil sa likod ng mga ngiti at tawa, ay ang lungkot at sakit na bumabalot sa puso niyang durog na durog na. (Agang hugot)