Sa totoo lang po, nawawalan na ng magandang asal at respeto ang mga kababayan natin sa loob ng simbahan na tinatawag nating banal na bahay ng Panginoon. Marami akong nakikita, namamasid sa ganitong ugaling ipinapakita ng mga tao. Paano pa kayo nakapag darasal ng taimtim kung kuha dito, kuha doon ang ginagawa ninyo habang nagmimisa ang pari? Ang pagkuha ng larawan ay nakapaghihintay, pwede po nating gawin yan pagkatapos ng banal na misa. Para at ano pa at kayo ay nagsimba? Nakakahiya kayo!!! Filipino nga naman.