Sorry po ha, sarili kong problema pero iniasa ko sa'yo... sarili kong obligasyon pero bakit nga naman sa iyo ko ipinapasa.. masyado na rin ako dumepende sa iyo... alam ko naman na hindi ganun kabuo ang tiwala mo at meron ka pa rin pag-aalinlangan, pero ganun pa man pinakikisamahan mo pa rin ako sa abot ng iyong makakaya.. pasensya ka na talaga, nagagawa ko mang sumubok at sumugal na kung tutuusin maaring eto na rin ang huli at kakarampot na pag-asa na meron ako pero pinipili ko pa ring ilaban, subalit sa kabila ng pagnanais ko na ipanalo ang katiting na lamang pag-asa at natatanggap na munting biyaya pinipili ko pa rin isabak at itaya kahit alam ko na ang gagawin ko ay suntok sa buwan at hindi tiyak ang kahihinatnan, kasi sa totoo lang wala na kong alam pa na paraan para mapadali kong maayos at malinis ang aking problema na pinapasan... alam ng Diyos kung gaano ko ninanais na yakapin, ingatan at gamitin ito sa tamang paraan, pero magkaganun p man mali na kung mali at tanga na kung tanga o kahit anu pa ang gusto mong itawag sa akin, masakit man aminin pero wala e ang isugal at ilaban na lang ang kakarampot na pag-asa na meron ako ang huli at tanging alam kong daan para malutas ko at maisaayos ang nagawa kong kamalian....magkaganun p man sa kasawiang palad palagi akong bigo at umuuwing talunan.. pati tuloy ikaw nadadamay sa aking kapabayaan....
magkaganun pa man sa kabila ng magulo kong buhay, maipagmamalaki ko pa rin sa iyo at maipagyayabang na ako.., nanatiling matatag at taas noo na kayang tumingin ng deretso sa iyong mga mata na walang bahid na takot at o anumang kisap ng kasinungalingan.. ako na ako maipagmamalaki ko na sa kabila ng lahat buo pa rin ang kunsensya at pagkatao... sa kabila ng kasawian at kahirapan na meron ako, ang buong ako na para sa akin ay pinakamahalagang bagay at kaisa-isang kong kayamanan na matapang ko pa ring naingatan at mapanatiling makinang... eto ang taas noo na maipagmamalaki ko sa iyo at sa kahit na sino... at ikaw simula ng pagdating mo sa buhay ko sa buong mundo maipagmamalaki ko na isa kang kayamanan na higit pa sa buhay ko ang kahulugan ... bukod sa aking pribadong pagkatao, ikaw ay buong-buo kong tinatanggap at ituturing na aking natatanging espesyal na persona na dapat ko ring pakahalagahan at pakaingatan...
wala ako na kahit ano man bagay na maiabot sa iyo kapalit ng pagtulong mo,wala ako na kahit konting halaga para ibayad sa panahon na ikaw ang sumalo sa ibang obligasyon na meron ako, wala ako na kahit anu mang sapat na ebidensya para panghawakan mo at paniwalaan ang bawat pangako na masasambit ko,.... kaluluwa at buo kong pagkatao, humihingi ako ng paumanhin sa iyo..., Sorry, sa kaibuturan ng aking puso humihingi ako ng sorry, sorry talaga at salamat sa iyo, maraming salamat.. sa panahon na down ako at sobrang dilim ng bukas na tinatahak ko dumating ka at inalo sa kasawian ko, ikaw ang naging sandigan at bayani ng buhay ko at sa kabila ng kamalian ko niligtas mo p rin ako at inilayo sa matinik na lugar na kinasadlakan ko... wala akong maipangako, wala akong maipagmalaki, di man sapat ang salita o anumang kataga na sambitin ko, pero nais kong malaman mo na ikaw, hanggat sa huling yugto ng buhay ko, dito sa puso ko buong-buo kitang iingatan at itatak hanggang sa huling hininga na meron ako...