ANG MGA PAA MO
Takpan ma't ipikit ang mg̃a mata ko
Ay naguguhit din ang mg̃a paá mo,
Paang mapuputing nakababalino
Sa isip at buhay ng̃ payapang tao.
Paáng makikinis at makaulul-palad,
Ang hubog ay bagay sa laki mo't sukat,
Ang mg̃a sakong mo'y may pulang banayad,
Ang mg̃a paá mo'y singlambot ng̃ bulak.
Parang mg̃a paá ng̃ nababalitang
Cleopatra at Leda ng̃ panahong luma,
Pano'y mg̃a paáng sa ganda'y bihira.
Naiinggit ako sa bawa't yapaka't
siyang nagsasawa sa paá mong hirang,
¿Ano't di pa ako ang maging tuntung̃an?