Nakakalungkot naman mga nangyayari sa Pilipinas kong mahal. Nasisira ang ganda ng imahe niya dahil sa mga tamad at utak-talangkang Pilipinong nasa magandang posisyon ng gobyerno.
Ang mga Pilipino ngayon mas takot pa umuwi sa sariling bansa niya kaysa makipagsapalara't maging dayuhan sa ibang bansa.
Nakakalungkot isipin, pero totoong marami nang Pilipino na nawawalang ganang tumira sa Pilipinas.
Kahit sino pa iboto niyo, pare-parehas lang yang mga Kandidato ng Politiko. Walang pagbabago kapag hindi tayo mismo ang magpatupad ng pagbabago.
Pag pinagpatuloy pa natin na asahan ang gobyerno, walang pagbabagong mangyayari sa bansa natin.
Nasaan na ang hustisya para sa nangangamuhan sa ibang bansa na kababayan ni Juan?
Ano na ang tunay na estado ng bansang Pilipinas?
Ano ang alam ng mga kabataan ngayon? Sila ba talaga ang pag-asa ng bayan?
Ano ang magagawa ng mga relihiyosa at relihiyosong Pilipino?
Ano ang kontribusyon ng simbahan sa mga suliranin ng isang Pilipino?
May gobyerno ba talaga tayo? Saan nga ba talaga tayo pina-pastol ng ating mga pinuno?
Saan ka ba dapat humingi ng tulong kapag naaapi ka? Sa Pulis? Sa Sundalo? Sa kapwa mo Pilipino? O sa mga taong hindi mo kalahi?
Sino nga ba ang mayaman? At sino nga ba ang mahirap? Pagkakaalam ko kasi lahat tayo naghihirap pagkat hindi na natin mabibili ang respeto at tiwala sa atin ng mga dayuhang nagmamalasakit sa atin.
Gusto ko ng pagbabago. Naniniwala akong kaya ng Pilipinong magbago. Ngunit, ano nga ba ang magagawa ko?
May magagawa nga ba ako kung nag-iisa lang naman ako sa adhikain kong magkaroon ng pagbabago sa bansang sinilangan ko?