R.G. DOCUMENTARY
Prostitutes in Central bank
Ang Davao City ay isa sa maunlad na lugar dito sa Pilipinas.
Habang lumilipas ang panahon ay umaangat ang ating teknolohiya.
Maging ang ating ekonomiya.
Subalit, kasabay rin nito ang pagdami ng mga kabataan na napapariwara ang kanilang landas.
kasama didto ang paggawa ng mga maling gawain.
Minsan naglakad-lakad ako sa isang lugar dito sa Davao at maraming nagkikislapang mga ilaw na sadyang nakakaaliw sa mga taong napapadaan.
Nandito po tayo ngayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas dito sa Davao.
ANG VIDEO NA NAKIKITA NINYO NGAYON AY KAGARAPANG GINAGAWA NG MGA KABABAIHAN SA TABI NG CENTRAL BANK.
DISCLAIMER:
Ang interview na ito ay confidential, kaya minabuti namin na itago ang katauhan ng aming nakapanayam sa MA'AM ANA.
Ano po pala ang ginagawa n'yo sa tabi-tabi ng Central Bank, Ma'am?
Sinusubukang makapaghanap buhay at makalikom ng pera.
Sa anong paraan naman po?
Pumapara kami ng mga sasakyan. Tapos kung may gusto bang maaliw gabi-gabi.
At minsan naman, sila ang kusang humihinto at lumalapit sa amin.
Alam mo kasi sa hirap ng buhay ngayon ay gagawin mo talaga ang lahat upang mabuhay at makakain ng sapat sa isang araw.
Ilang taon ka rin po ba nang nagsimula sa ganitong trabaho?
Hmp, palagay ko po noong 18 years old pa po ako. Ito na kasi ang kinalakihan ko mula pa noon.
Bakit n'yo po napagpasyahan na ganitong trabaho po ang papasukin n'yo?
Noong 17years old pa po kasi ako eh meron na akong anak (nabuntis) kaya humanap ako ng paraan para mabuhay ko lamang ang aking anak.
Naisip n'yo po rin bang umalis sa gnaitong trabaho?
Kung meron lang talaga akong ibang pagpipilian, hinfi ko naman papasukin ang ganitong trabaho.
Eh minsan nga tuwing umaga nagbebenta rin ako ng junk foods ngunit masaklap kasi talaga ang buahy kaya tuwing gabi ganito talaga ang trabaho ko (prostitute).
Marami rin po ba kayong nagiging customer tuwing gabi, ma'am?
Depende rin sa panahon. Mansan tuwing Sabado, marami talaga kasi malapit lang sa amin ang iniinuman nila (Torres).
Pero minsan naman ay kaunti lang lalo na pag umuulan.
Meron din ba kayong regular na customer?
Hmm. Minsan bumabalik, minsan naman hindi.
Pero kadalasan eh mga baguhan talaga ang nakakasama ko pangpalipas gabi.
Magkano rin po ba ang binabayad nila sa inyo?
Sa akin ang pinakamura na talaga ay 800 pero minsan, meron din namang tumatawad hanggan 500. Minsan nga eh hindi na nakakabigay dahil lasing kahit kape hindi kami nabibigyan.
Ano po ba ang maipapayo n'yo sa mga kabataang makakapanood sa dokyumentaryong ito?
Ang maipapayo ko lang siguro sa kanila ay magsikap sila sa pag-aaral kasi mahirap talaga ang walang pinag-aralan.
Kasi kapag ako binigyan ng pagkakataon noon at kung may maisusuporta lang ang aking mga magulang tiyak na pagbubutihin ko talaga ang aking pag-aaral.
Ang pangit kasi sa pakiramdam na halos lahat ng nakatingin sa'yo ang nakikita ay marumi.
Oo. Narurumihan din naman ako sa aking sarili at sa aking mga pinaggagawa.
subalit wala akong magawa kasi naman ito na ang nakamarka sa palad ko eh.
Bumabalak rin naman akong maghanap ng ibang trabaho kasi ayaw ko namang makita ako ng anak ko habang lumalaki s'ya na ganito ang aking trabaho.
Salamat po talaga sa lahat ng ibinahagi n’yo po sa amin.
Salamat din po. Maraming, maraming salamat.