Sabi mo mahal mo ko. Sabi mo di mo ko iiwan.
Sabi mo hihintayin mo ko.
Saglit lang akong nawala,iba na kasama mo.
Ang daya talaga.
Dahil ba sa mahal mo lang ako kapag wala sha?
Sabi ko noon,di na ko masasaktan.
Sabi ko kakalimutan na kita mamahalin pa,na kaya kong gawin lahat yun.
Kaso,bigla mo na lang sinabi, mahal kita,mahal mo pa rin ba ako?
Sabi ko ayoko na.
Paulit-ulit kong sinasabing tama na.
Pangako ko na di na talaga.
Pero bakit ganon? kahit anong gawin ko,isa't isang bagay pa din ang sinsigaw ng puso ko.
Alama mo kung ano?
Ano pa e di pangalan mo.
nasaktan ka ba ng nalaman mong may mahal na kong iba?
Pasensha ka na ha?
Ayoko na kasing umasa,napagod na din akong maghintay.
Pero makakatulong ba kung sabihin ko sa yong kaya ko shang iwanan para sayo?
Sabi nila,"Iwan mo na",sabi ko ayoko.
Sabi nila tama na daw, sabi ko ayos lang ako.
tanong nila kung kaya ko pa raw ba?
Napaiyak ako nung sinabi kong,"Mahal ko,kaya kakayanin ko."