3 bagong airstrips ng China sa WPS, kinukumpirma
By Noel Abuel | Posted on December 08, 2015LIKE30
Patuloy na kinukumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang naglabasang ulat na muling nagtatayo ng tatlo pang airstrips ang bansang China sa pinagtatalunang West Philippine Sea o South China Sea.
Ayon kay DFA spokesperson Charles Jose, wala pang natatanggap itong impormasyon mula sa mga kinauukulang ahensya sa bansa at sa China kung may katotohanan na may binubuo muling airstrips ang China.
“We’re getting verified report from our concerned agencies,” sa text message ni Jose sa Abante.
Base sa ulat, itinatayo na ng China ang ikaapat na airstrips nito para sa People’s Liberation Army na posibleng magamit ng mga Chinese coast guard at navy.
Dahil dito, masamang balita ito sa Pilipinas gayundin sa Estados Unidos at sa iba pang bansa sa Asya na umaangkin din sa ilang isla sa WPS.
Nabatid na nag-o-operate na ang isang airfield ng China sa Woody Island sa Paracel island chain kung saan base sa nakitang satellite photos ay dalawa hanggang tatlong karagdagang airstrips ang itinatayo sa silangang bahagi ng Spratly archipelago.
Ayon kay Hans Kristensen, ng China security expert at Federation of American Scientists, ang mga bagong airfields ay magagamit ng Chinese aircraft para sa refuel, at pagre-repair ng sasakyang pandagat at eroplano gayundin ang posibleng mapapalapit ang lugar kung saan maaaring maglagay ng armas ang mga ito.