Malaki ang kapakinabangan sa pagbubukas ng ating tahanan, gaanuman ito kasimple, sa gayong mga indibiduwal. Ang mapagmahal na pagkamapagpatuloy, na maaaring naglalakip lamang ng simpleng pagkain, ay nagbibigay ng mahuhusay na pagkakataon para sa “pagpapalitan ng pampatibay-loob” at sa pagpapakita ng pag-ibig sa ating mga kapatid at sa ating Diyos. Ang gayong mga pagkakataon ay lalo nang kapaki-pakinabang sa mga punong-abala, sapagkat “may higit na kaligayahan sa pagbibigay kaysa sa pagtanggap.”