Kung sakali at mabiktima kayo ng laglag bala,ganito po ang gagawin ninyo:
1. Kapag pinabuksan ang bagahe, huwag pumayag. Hingin muna na iharap ang mga airport police at tumawag ka ng lawyer or kamag-anak na agaran makakapag dala ng abogado or tagapag tanggol sa iyo habang nasa NAIA , huwag na huwag kang papayag na ikaw mismo ang magbubukas ng bag.
2. Kapag may witness na, yung officers ang pakuhanin ng bala. Bakit? Dahil sa fingerprint.
Kung hindi talaga sa iyo yung bala, walang fingerprint mo na makukuha sa tela na pinaglagyan or sa bala mismo.
3. Saka mo sila hamunin ng fingerprinting sa harap kamo ng mga pulis at lawyer mo.
4. Kapag walang fingerprint mo na nakita sa result, balikan mo sila ng asunto + bayad sa abala, gastos at oras na nawala sa iyo. Sila rin ang dapat magpapa book ng flight mo.
Mas maging maingat po.Huwag maging biktima.