Ito ay kasunod ng paglabas ng British Broadcasting Corporation (BBC) noong Martes ng gabi ng audio sa reporting assignment sa Spratly archipelago.
Umupa ang BBC ng isang maliit na eroplano mula sa Pilipinas upang kunan ng video ang mga nilikhang isla ng China at subukan kung sisitahin sila ng Chinese navy.
Ayon sa BBC, ilang beses silang binalaan ng mga Chinese sa radio communication na “you are threatening the security of our station”.