Pinagsanib na sinumpaang salaysay ng pag-sang-ayon ng pagpapa-anpon
kami, sina ROWE CAJAN at LETICIA VILLANOS CAJAN, may-assawa at kasalukuyang nakatira sa Carmelite Street,Tala, Caloocan City,ay nag-sasaad:
1.Na kami ay may sampung anak, ngunit sala kaming regular na hanapbuhay 0 sapat na pinang-gagalingan ng ikinabubuhay.
2.Na kabilamg sa aming mga anak ay si Baby Girl na sa kahirapan sa buhay ay ipinanganak na lang sa aming tahanan sa Tala,Caloocan City noong 01 Pebrero 2012 na hindi natulungan ng duktor.
3.Na may nagmamalasakit na gustong kaming tulungan sa pamamagitan ng pagpapa-check up ng aming nasabing anak kung kayat ay kusa at taos-pusong umapayag.
4.Na sa kahirapan ng aming buhay at sa kadahilanang siguradong hindi namin maitataguyod na husto at sapat ang maayos na ikabubuhay ng bagong anak naming si Baby Girl kasama na ang kanyyang magandang kinabukasan, kami ay pumapayag na siya ay ampunin ng mag-asawang G.Tukasa at Ginang Reiko Yamagishi.
5.Na kaakibat nito,kami ay pumapayag na isalin na sa pangangalaga nina G.Tsukasa at Gng.Reiko Yamagishi si Baby Girl para sa kanilamg trial custody para malaman kung magiging maayos ang pagsasama nila.
6.Na buo ang tiwala naming na mabibigyan nina G Tsukasa at Gng. Reiko Yamagishi ng matiwasay at magandang kinabukasan,pati na sapat na pag-aaral, si Baby Girl.
7.Na ang aming pagpayag na ito ay kusa,buong-loob,maliwanag ang pagka-intindi at hindi kami tinakot,pinagbantaan,binayaran o pinangakuan ng ano man.
8.Na kami ay naniniwala na si Baby Girl ay magkakaroon ng masagana at mapayapang buhay sa piling ng mga bagong magulang niya na magaampon sa kanya.
9.Na ang paglalaad ng mga ito ay ipinakiusap namin na maisulat at maipaliwanag sa amin at ito naman ay katanggap-tanggap sa amin.Pinatotohanan namin ang lahat ng nakasaad dito.
Nilagdaan sa harap nina
Nagsasalaysay