Kasunod ng ginawang panawagan ni Foreign Affairs Secretary Albert F. del Rosario sa United Nations (UN) na kilalanin ang international law sa usapin ng pinagtatalunang West Philippine Sea ay dumagsa ang suportang ipinadala ng international community sa ipinaglalaban ng Pilipinas sa nasabing isla.
Sa ipinadalang ulat ni Ambassador Lourdes Yparraguirre, ang Philippine Permanent Representative to the UN, matapos ang isinagawang pakikipagdebate nito sa UN General Assembly noong nakalipas na Oktubre 16 ay umani ng suporta ang Pilipinas sa laban nito sa iginigiit ng China na sakop ng Nine-Dash line ang South China Sea kung saan mahigit sa 90 porsiyento ang inaangkin nito.