Para dun sa teenager na lalaking nakamotor na muntik na akong banggain kanina habang papaliko ako galing kina Eric, wala akong masabi kundi isa kang malaking tanga. Kung makapagmura ka, akala mo pinalamon mo ako buong buhay ko, akala mo ata utang ko sa'yo kung anuman ang mayroon ako, o para bang sinasabi mo sakin na ikaw ang mas matalino. Wala kang alam sa buhay ko. Hindi mo alam kung ano ang pinagdadaanan ko. At higit sa lahat, wala kang alam sa batas trapiko. Una, nagsignal ako. Pangalawa, wrong lane ka. Pangatlo, wala kang helmet. At hindi ko alam kung meron o wala pero dahil bwisit ka sa buhay e pakiramdam ko wala kang lisensya. Kung may pulis lang sana dun, ipinahuli na kitang hayup ka.
Ayoko ng mga motorsiklo. Ayoko ng tricycle. Ayoko ng jeep. O ayan, baka sabihin ninyo maarte ako. Hindi po. Ayoko lang sa kanila. Pakiramdam ko kasi may ugali tayong mga Pilipino na mahilig magsettle sa kung ano yung lowest achievable thing. Hindi tayo nagsusumikap kasi alam natin na mayroong mas mababa na pwede na nating gawin o gamitin. E bakit nga ba naman natin kailangan pa magaspire na ayusin ang transportation system ng Pilipinas e meron naman tayong good ol' jeep and trike?!? Mura na, convenient pa; kahit saan pwede kang pumara, kahit kailan pwede mong patigilin at kahit anong ruta e andun sila. Hindi na natin kailangan ng mga long time permanent fixes kasi andyan na sila. Kahunghangan.
Ang isa pa e nagko-cause sila ng mabigat na daloy ng trapiko at polusyon. Traffic kasi kahit saan tumitigil sila; at hindi sila mahihiyang tumigil ng matagal kasi karamihan sa kanila nagpupuno pa. Dun lang sila at kahit mapudpod ang manibela mo kakabusina, wala silang pakialam. Meron pa diyang biglang liko sa kung saan, walang signal, walang headlight at yung iba naman na tadtad ng ilaw na parang pintuan ng langit kapag nakasalubong mo sa daan! Grabe talaga. Sabi nga nung kaibigan kong Hapon, ang mga alternative forms of transportation daw ay isang trademark ng hindi maunlad na bansa. Kasi kung maunlad ka, dapat maunlad din ang transportasyon sa bansa niyo.
Ang transportasyon ay isa sa mga pinakamahalagang parte ng isang maunlad na bansa. Para itong ugat sa katawan ng tao; daluyan ng dugo na naghahatid ng sustansya sa bawat internal organ na meron tayo. Pag hindi nakakadaloy ng mabuti ang dugo sa ating katawan, sari-saring sakit ang pwede nitong simulan. May muscle pain, stroke, organ failures, necrosis at kung anu-ano pa. Ang transportasyon, kapag hindi maayos, ay wala ring ibang ihahatid kundi puro sakit at kabulukan.
Bulok ang Pilipinas. Maraming bagay sa Pilipinas na matagal ng nilangaw sa sobra nitong kababuyan at kasiraan. Kung baga sa mangga, inuuod na tayo. Hindi na tayo nakausad sa kung ano ang importante dahil wala na tayong ibang inatupag kundi ang mga panandaliang aliw na ating nakikita sa pangaraw-araw. Yung MRT at bus diaries ni ate, nakakatuwang basahin pero nakakayamot pag sa'yo nangyari. Natutuwa na tayo makita lang natin sa balita na sumakay ng MRT si Kris Aquino at Ann Curtis, o kung sino pang artista ang gustong i-try ang mala-sardinas na nature ng tren natin. Totoo, masayahin tayong mga tao, pero sapat na ba ang ating mga ngiti para umunlad ang bansa? Inaamin ko na ang kakayahan nating idaan sa tawa ang lahat ng bagay ay hindi naman masama. Pero sana habang tumatawa tayo ay naghahanap din tayo ng solusyon sa ating mga problema. At hindi yung mga hindi pinagisipang solusyon lang ah! Dapat yung durable at permanente ang solusyon natin.
Isa pang dahilan kung bakit hindi tayo makausad ay dahil tayong mga Pinoy ay may taglay na kayabangan. Mahilig nating ipagyabang ang mga maliliit na bagay na mayroon tayo. Yung motor mo na binili mo ng less than 70k, kung iharurot mo e para kang naka-Harley. Wow. tunog 100, takbong bente. Bwisit ka. Ayaw mo pa magheadlight, kasi sayang daw sa gasolina. Bobo. Hindi ka pa nga nag-aaral, pinaandar mo na yang kayabangan mo. Kaya maraming nakamotor at nakakotse sa Pilipinas kasi mga ayaw magpahuli sa trending. Gusto kasi natin kung ano yung meron sila meron din tayo. Para belong, di ba? Eto namang mga businessman at pulitiko sa Pilipinas, tinetake advantage nila yung kayabangan natin para lalo tayong mapabili ng kung anik-anik sa tabi-tabi. More motorsiklo, More iPhones, more subdivisions ni Mr. Senator, more pagawa ng highway para magconnect sa subdivisions ni Mr. Senator, at more SM. Lintek na SM. Patay na ang lahat ng negosyo pag binagsakan na ng isang malaking SM mula sa langit ang kahit na anong bayan dito sa Pinas. Mas sosi daw kasi pag galing sa mall. Bobo.
Yung ibang mga tao naman, nagsisipag daw. Bata pa lang, nagaral ng magdrive, maglinis ng kotse, magtinda ng sampaguita o kendi sa kalye para lang may pangtawid gutom. Don't get me wrong because I find what they're doing truly hard and admirable. Ang mali lang kasi dun e hanggang dun na lang sila. Wala na silang drive humanap ng iba kasi hindi din naman sapat ang kinikita nila para makapagaral sa kung saan man na mataas ang matrikula. Atsaka isa pa, karamihan sa kanila, hindi na makita ang sense ng pagaaral simply because kumikita na sila. Walang pera sa mataas na grade sa card. Yung grade na yun ay walang katuturang numero sa isang pirasong karton sa kanilang pagiisip. Nakakalungkot na sa ganitong sitwasyon, mas pinipili nilang maging mangmang kaysa magutom. At siyempre ang mga gahamang pulitiko ay walang gagawin para lutasin ang problemang iyan. Kasi nga, mas madali mambilog ng ulo kapag gutom ang kausap mo.
Tinatrato nila ang mga mahihirap na parang aso.
So saan nga ba hahantong ang article na to? Galit ba ako sa mga mahihirap o kakampi ba nila ako? Sa totoo lang, ito ay tungkol dun sa galit ko sa teenager na lalaking muntik na akong banggain at minura pa ko. Naiinis lang ako kasi ayoko siyang matahin pero ako ang unang hinamak. Hindi siya mukhang angat sa buhay kasi mukha siyang tustado, mukhang ordinaryo lang at parang hiniram niya lang yung hulugan nilang motor sa tatay niya para lang may ipagyabang sa tropa. Hindi rin ako mayaman, baka nga mas mababa pa ako sa ordinaryo, pero alam ko kung san ako lulugar at alam ko na sa batas trapiko e tama ako. At higit sa lahat, isa akong mapaghiganting spirito. Bata pa siya pero kung pagsalitaan niya ako e para bang may alam na siya. Naisip ko lang na kailangan talaga limitahan ang existence ng kagaya niyang mga hampok ang utak. Marami na akong nakitang mga namatay sa daan dahil bayag nila ang ginagamit nila sa pagmamaneho. Sana sa susunod, siya na ang makita ko. Tatawa ako ng malakas kapag nangyari yon. (Sa totoo lang galit lang talaga ako. I don't really mean that. Lilipas din ito at pagsisisihan ko na sinabi ko iyan. Pero right now, I really don't care)
Nakakainis lang kasi isipin na walang progreso sa Pilipinas dahil puro init ng ulo. Mainitin din po ang ulo ko. Totoo. Pero hindi ko mumurahin yung taong muntik ko na mabangga. Baka magsorry pa ko sa kanya because I almost hit them. OO, KAHIT SIYA ANG MAY KASALANAN, nakahanda akong magapologize para tapos na ang usapan. Even though inside e vino-Voldemort ko na siya.
Walang mangyayari kasi nagrereklamo lang naman ako. Alam ko na hindi na gaganda ang Pilipinas, hindi niya ito mababasa at hindi rin mawawala ang mapagliyab na poot na nararamdaman ko sa aking puso. Baka may magalit, baka may tamaan. Pero ako po kasi ay Pilipino din. Alam ko ang mga magagandang katangian natin. Alam ko din kung ano yung panget. Kung puro kagandahan lang ang babanggitin natin, patuloy nating itatago yung mga sakit, yung mga problema, yung mga tumor at kung ano pa mang mga sintomas. Hanggang sa mabulok na naman at mamaho. Kagaya ng kung anu-ano pang kabulukan na nararanasan na natin ngayon.
At para sa kung sino ka man: magaral ka muna, pagaralan mo kung pano magdrive para hindi ka bobo sa maraming bagay. Sa mga nagbabasa na nagmomotor o nagbibisikleta diyan, sana alam niyo kung gano kayo kaliit sa daan kaya wag kayong mayabang. Hindi ko sinasabi na lumuhod kayo sa harapan nung mga nakakotse o bus. Ang sinasabi ko lang wag kayong masyadong mainit kasi makakarating din tayong lahat sa pupuntahan natin kahit tumigil ka panandali para magpadaan ng ibang sasakyan. Hindi nasusukat ang pagkatao sa kung sino ang pinakamabilis sa kalsada. Dahil sa susunod na gawin niyo to saken, baka idiretso ko na apakan yung gasolina para tuluyan na kayong lumipad sa kinauupuan niyong mga peste kayo.
Uulitin ko para sayong hayup ka. Shit ka.